Sunday, May 07, 2006

LOVE... LOVE...LOVE!!!

ika nga ng brownman revival:: lintik na pagibig...

kng gnon man bkt mrami pding inlove?.. bkt maraming gus2ng mainlove???...

ako nsaktan n ng ilang ulit pro ito prin umaasang may mgmamahal pdin.. hayyyy.. masarap kc mainlove.. alam ng lahat un pro ksma ng sarap ay ang hirap at sakit.. gnon nga cguro tlga... sabi nga ng iba:: hindi mo malalaman ang tunay n pakiramdam ng magmahal hanggat hindi ka pa nasasaktan.. kambal nga cguro tlga ang 2 ito..

oo.. bitter ako sa pagibig pero ang pinagkaiba ko sa mga kilala kong bitter.. gus2 ko parin maramdaman ito..patuloy parin akong nangangarap na balang araw mhahanap din nya ako...

masasabi kong wala nmn akong pinagsisihan sa mga relasyon kong nagdaan pero malaki ang panghihinayang kong wala sa kanila ang tlgang ngtagal.. inakala ko noon na ang 10 buwang pgsasama nmin ng isa sa knla ay ang sinasabi nilang "true love".. ngunit huli n ng aking malaman n hindi pla tlga.. oo minahal ko xa at alam yan ng lhat.. mtgal din akong umasang babalik xa pro walang nangyari.. sinubukan kong mgmahal muli ngunit hindi rin ito ngtagal.. hanngang sa dumating ako sa punto na tila ba ayaw ko na.. mxdo n kong nsasaktan.. kaya't nang dumating ang isang tao na maaring sagot na sa panalangin nabaliwala k xa... hindi ko xa pinansin hanggang sa sumuko xa sa akin.. ngaun siya n ay masaya n sa piling ng iba at ako gnon pdin.. nag-iisa...

nitong nakaraang buwan, unti-unting nhulog ang aking loob sa isang taong isang taon ko ng hinahangaan..(aka crush).. dahil masasabi kong malaki ang pgkakapareho niya sa nabanggit kong 10 buwan kong nkarelasyon...alam kong maling ikumpara ko silang 2 ngunit iyon tlga ang totoo... nhulog ang loob ko sapagkat nitong nkalipas na buwan bigla n lamang siyang naging malambing na kahit kailan ay hindi nya ginawa sa akin kya naisip kong mrahil parehas na kami ng nararamdaman.. pro ewan ko ba para bang bigla nlng syang ngbago.. nglaho n parang bula... kala ko p naman.. ito na.. ngunit tama ngang akong malaki ang pgkakaparehas nilang 2.. pareho nila akong pinaasa.. ang una'y pinaasa akong totoo ang pagibig nya sakin ang ikalawa'y pinaasa akong may pagtingin rin siya sa akin... nguinit ako'y bigo parin...


ngaun ang tnong ko.. ano bang mali sa akin?...
pangit ba ako?.. pangit ba ang ugali ko?...
o sadyang pinaglalaruan lang talaga ako ng tadhana...

oo masakit ang magmahal... pero handa parin akong sumabak sa susunod kong laban.. ngunit ipinagdarasal ko na sana ang susunod kong laban ay ang laban na magbibigay sa akin ng inaasam kong tagumpay... ang tagumpay n ntatamo lamang ng pusong kahit ilang ulit nang nsugatan ay nakararanas parin ng tunay na kaligayahan...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home